Wednesday, February 16, 2011

CHAPTER SEVEN

 Nang mga sumunod na araw, buwan naging busy sa school si Devz. Sa mga school projects at iba pang pinagkakaabalahan sa pag aaral. Maging sina

James dahil sa nalalapit ding pagtatapos ng mga ito. Sinusundo pa rin siya ng mga ito pero madalang na lang, ang kanyang tatay ang sumsusundo

kadalasan sa kanya.

Dumating din ang araw na kanyang pinakahihintay. It was her fifteenth birthday. Everyone is present to celebrate with her. Naghanda ng maliit na

salo ang kanyang mga magulang para sa kanyang mga bisita.

Imbitado ang mga kaklase at bagong kaibigan niya at syempre pa hindi mawawala ang kanyang mga prinsipe. Nakita nya ang mga itong masayang

nag uumpukan sa kanilang veranda kasama ang kanyang itay. Hindi nya nakita si James na dumating kanina dahil abala siya sa pag aasikasao sa

kanyang mga bisita. Nabigay na din ng kanyang tatlong prinsipe ang mga regalo ng mga ito. Bret gave her a teddy bear, Aj gave her a cute diary and

Enrique gave her a guitar. Si james na lang ang hindi pa.

Pagkakita nito sa kanya agad itong lumapit.

“Happy birthday princess.” Sabay ginulo sa kanyang buhok.

“Bat ngayon ka lang?” kunwaring nagtatampong turan niya dito.

“And where’s my gift?” Nanghahaba ang ngusong sabi nya dito

“Kelangan pa ban gift?” Nakalimutan ko kasi eh, nangingiting turan nito

“Hmp! Bahala ka na diyan.”

“Masaya na ako kahit presensiya mo lang ang nandito magandang regalo nay un saken,.” anang sa isip nya sabay punta siya sa likod ng kanilang

bahay. Dahil nakauwi na din ang kanyang mga bisita at ang mga ito na lang ang naiwan.

Madalas na sa likod ng bahaya siya tumambay dahil may mini garden sa likod nito. Kumuha siya ng kumot at nilapag ito doon at nahiga.

“Bat dito ka naglalagi?” Anang ni James

“Sumunod ka pala, wala naman gusto ko kasi dito lalo pag gabi, sarap pagmasdan ng kalangitan lalo nang mga bituin sa langit.”

“Come! Join me.” Sabay pagpag sa kanyang tabi. Sumunod naman itong nahiga.

Sabay tingin din sa kalangitan dahil gabi na natapos ang kanyang party.

“Oo nga, bat ngayon mo lang ako inaya dito?” Turan nitong napatingin sa kanya.

Napangiti na lang siya dito.

“Wala ka talagang gift sa akin?”

“Wala nga kasi nagmamadali akong pumunta dito.” Nangingiting turan nito.

“Hmp! Madaya ka! Nahuli ka na nga wala ka pang gift.” Naghihinampong turan ni Devon kay James.

“Hey! I was just kidding.” Tugon nito.

May hinugot ito sa bulsa nito. Isang maliit na kahon. Nang buksan nito ang maliit na kahon at isinuot ang nilalaman nito sa kanyang leeg.

Nagulat si Devon sa malamig na bagay na dumampi sa kanyang leeg. Dahil sa nakatalikod siya rito kaya hindi niya napansin si James na nilagay iyon.

“For you, my princess.”  Anang ni James. Nang kapain ni Devon kung ano yun. Isang kwintas na may panabit na may disenyong mukhang fairy.

“Did you like it, princess?

Tumango siya. “Pero it’s too expensive. Gusto ko sana simple na lang binigay mo.”

He laughed. “Can’t accept that.”

“Why, because you are rich and you can buy expensive gift, ganun ba?”

“No, my princess. When I saw it, I thought of you when I bought that. You are my princess and a princess needs a fairy right?”

“You are special to me, kaya special din ang regalo ko sa’yo.”

Pinagtaasan lang niya ito ng kilay? “Di ba naman bola yan?”

“You are my princess.” At ngumiti ito sa kanya. Lumapit ito. He kissed her on the cheek.

Saka ito nagpaalam ng uuwi dahil malayo pa ang biyahe nito.

 “I have to go princess, “I wish you were happy.”

Siya naman ay naiwang nakatulala. Nang magpaalam ito ay tanging tungo lang ang naisagot niya ditto. Ni hindi siya nakapag- tahnk you man lang

dito.

Di pa rin siya makaget over sa halik nito sa kanya. It was her first to be kissed by a man at si James pa. Maybe it was a gesture. Maybe because it was

her birthday and maybe she was entitled to a kiss, just like the other celebrants were. But James never kissed her before. He was always smiling at

her, patting her head and pinching her cheeks- but never kissed her.

Hindi pa rin siya makapaniwala na hinalikan siya nito. Hinawakan pa niya ang kanyang namumulang pisngi at sinalat ang bahagi ng hinalikan nito. She

gazed up in the sky with a smile on her face.

It was the happiest moment of her life and the happiest birthday she had.

               

No comments:

Post a Comment