Tuesday, December 28, 2010

Chapter Five.

                Kinabukasan. Araw ng sabado. Muling naging maingay ang bahay ng pamilya ni Devon nang magsidatingan ang kanilang mga panauhin kasama na si Ivan. Dahil imbes na mag outing sila mas pinili na lang nilang sa bahay na lang nila idaos ang salo-salo. Hanggang sa umabot na sila ng gabi at nag inuman na lang ang mga kalalakihan. Samantalang ang kanyang mga magulang ay pumanhik na sa kanilang silid para magpahinga dahil napagod sila sa preperasyon.

                Nagpatuloy ang kasiyahan at nagkaroon din siya ng pagkakataong makikilala ang mga babaeng nagpaibig sa mga kaibigan niya. Ang mga kalakihan ay nag iinuman malapit sa pwesto nila nina Coleen. Nang may tinanong si Bret.

                “Nakailang boyfriend ka sa Spain Devon?” anang ni Bret. Hindi pa rin siya nito tinatantanan magmula nung dumating siya. Tumingin siya kay James na noon ay nakatingin din pala sa kanya. Sabay sagot kay Bret

                Secret”  Sabi ni Devon sabay iwas sa mga mata ni James na alam niyang hinihintay ang kanyang isasagot.

“Hala!  Mukhang mali ang desisyon nyo ni tatay na payagan kang magtrabaho sa ibang bansa, di ka tuloy naming nabantayan.” Nagbibirong turan naman ni Aj.

“Stop it, guys! Puro kayo biro.” Sabi ng isa sa mga kasintahan ng mga ito.

“Di nyo na tinantanan si Devs. Pwede bang sa amin muna siya bahala kayo diyan. Kami namang mga girls ang magi-girl talk.”

 Sabi ni Heidi na sinang-ayunan na rin naman ng mga ito. Nagtungo sila sa veranda at doon ay nagkwento ang mga ito kung paano ang mga buhay pag- ibig ng mga ito. Kung paanong ang mga barkada niyang lalaki ay na-inlove sa mga ito.

                I had missed a lot this past two years.” Aniya sa mga ito.
               
                Hindi ko inaakalang ma-iinlove ang dalawang iyon”. Na ang tinutukoy ay sina Enrique at AJ. Tumawa lang ang dalawang babae sa turan niya.

                Ikaw?” Tanong ni Heidi. Boyfriend mo nab a si Ivan?
               
                Natawa siya. “Hindi.”

                May boyfriend ka na ba?” Tanong ni Coleen? Pinaghihigpitan ka ban g mga yon?

                Nope. Matagal ko na ngang hindi sila nakasama, sabay tingin sa malayo. Siguro kung nandito ako at hindi umalis malamang todo higpit ang bantay sa akin”. Sabay tingin sa malayo.

                Na-inlove ka na ba sis?” Tanong ni Heidi.

Napahigit siya ng malalim na hininga sa tanong nito at saglit siyang hindi kumibo.

                “There’s this guy. I really like him. I love him. But he rejected me along time ago.”

                Ouch!” Sabay na sambit ng mga ito.

                “Yeah. Ouch.” Sabay sabi ni Devon.


Ginabi ng uwi si Devon galling trabaho. Gamit ang sariling susi, binuksan niya ang pinto ng bahay. Humihikab na pumasok siya sa loob. Pipikit- pikit na nag- inat siya ng mga braso. At nagpatunog ng leeg at likod ng mailock niya ang pinto.

Nang imulat niya ang mga mata, halos napasigaw siya sa gulat. Nakaupo si James sa sofa at nakangiting nakamasid sa kanya.

                Papatayin mo ba ako sa nerbiyos”! Mahinang sambit niya at baka kasi magising ang mga magulang niya kung bubulyawan niya ito.

                Sorry. I thought you have noticed me”. Tumayo ito

                What are you doing here? It’s past twelve already. Why are you still here?”

                Binilin ni tatay na hintayin kita. He said you’ll be coming home late.”

                Sana di ka na nag- abala pa, di sana di ka naghintay. Pano yan? Eh di bibiyahe ka pa?”

He just smile.

 Sa tapat nyo lang ako nakatira.”

Manghang napatingin siya rito? Paanong? Kelan pa? hindi niya akalain na sa tapat lang ito nakatira. Dahil sa pagkakaalam niya ng umuwi siya two years ago sina Mrs. Masangkay pa ang may- ari ng bahay na nagbakasyon lang sa amerika. So binenta na pala nila ng tuluyan. Wala naman kasing nagsabi sa mga kaibigan niya na sa tapat lang pala ito nakatira. Kahit ang mga magulang niya.

Binibiro lang kaya siya nito? Yun ang tumatakbo sa isipin ni Devon.

                I bought the place one year ago.” sabi ni James ng makitang nagulumihanan siya.

                Pasensiya na ha, pati ikaw naaabala ko.”

                It’s nothing.”

 Then he smiled.

“Ang sabi ni tatay painumin daw kita ng gatas bago ako umalis.”

 Sabay nagtungo ito sa kusina upang kumuha. Bumalik ito dala na ang isang baso na may lamang gatas. Nasanay na kasi siya na bago matulog ay umiinomsiya nito. Sanay na siya roon. Pero ang hindi siya sanay ay ang gingawa ni James.

                Bakit ba siya nag- aabala para sa akin?” Tanong ni Devon sa sarili.

                Drink this.” Sabay abot sa kanya ng basong may lamang gatas.

                Thanks. Pasensiya na talaga sa abala.”

                Umiling ito. “Really it’s nothing. Even then, we’re like this right?”

                Hindi na lang niya ito sinagot at ininom na lang ang gatas.

                Inumin ko na to ha?”

                “I’ll go ahead, lock the doors okay?”

                Tango lang ang isinagot ni Devon. Hinatid na ito hanggang sa makalabas ito ng kanilang pintuan.

                Thanks again, James.”

                “Goodnight, princess.” Sabay ngiti sa kanya nito at tumalikod na.

                Goodnight.” Sabay wave ng kamay dito.

                The way he said it sounded like a caress. Princess kasi ang tawag nito sa kanya noon, dahil siya raw ang prinsesa nila.

Ni-lock niya ang pinto ng makaalis na ito saka nagtatakbong pumanhik sa taas sa kanyang kwarto. Sabay silip sa kanyang bintana upang tingnan ang binata kung nakapasok na ito sa kanyang bahay sa tapat. Ang pwesto kasi ng kwarto niya ay nakaharap sa kanilang bahay kaya mula dito kita niya kung may magdaraan man sa tapat nila. Nang makita niyang papasok na ito saka lang siya nahiga sa kanyang kama sabay titig sa kisame.

                Oh James!” Sabay yakap sa kanyang unan.

                James really was back. And now he was living next door. Why was he doing this? Years ago he told her he wasn’t coming back.

Muli, inalala ni Devon ang mga sandaling nakasama niya ito. Ang alaala ng kahapon. Bakit ka nagbalik? Ginugulo mo na naman ang nananahimik kong puso. Bakit kailangang bumalik ka pa. kung kelan gusto na kitang kalimutan.

Sanay hindi na lang ito nagbalik dahil mahihirapan na naman siyang sikilin ang nadarama niya para dito.

                James.” Sambit niyang muli sa pangalan nito at tuluyan na siyang nahimbing sa pagtulog.










Tuesday, October 26, 2010

Chapter Four.


“Hatid na kita.” anang Ivan.

“Naku! Man wag na, masyadong na akong nakaaabala sa’yo.”turan ni Devon.

                Kasalukayan silang nasa labas na ng mall at nag- aabang na sila ng taxi. Pasado alas- otso na ng gabi at di nila namalayan pareho ang oras sa kakaikot sa loob.
“I insist Vonzkie, gabi na baka mag- alala ang tatay at nanay mo pag nalamang kasama mo pala ako tapos di kita hinatid. Tutal pareho naman ang way natin.” Mahabang litanya ni Ivan.

“ Bahala ka.” Kibit- balikat ni Devon kay Ivan.

                Bumaba na sa taxi sina Ivan at Devon. Nang nasa tapat na sila ng bahay nila Devon, ang akala niya’y di na ito bababa pero hindi pa pala ng matanaw ang mga tao sa bakuran nila gusto raw muna magstay sandali. Tanaw kasi mula sa kanilang gate na may nagkukumpulang mga nilalang sa kanilang asotea.

“ Tara, pasok ka man.” Nakangiting sabi ni Devon kay Ivan na sumunod kagad.

“ Ah, malamang si itay nagyaya na naman makipaglaro ng chess sa mga ito.” Sa isip ni Devon.

Abala ang mga ito sa paglalaro ng chess kaya hindi namalayan ng mga ito na dumating na siya..Dahil mababa lamang ang kanilang gate at bakod matatanaw kaagad kung may panauhin sila. Pumasok na sila ni Ivan sa gate pero deadma pa rin ang mga ito. Dibdiban kung maglaro ang mga ito. Hindi pa sila mapapansin ng mga ito kung hindi pa siya nagsalita ng malapit na siya sa mga ito.

“ Hello sa inyong lahat!” sabi ni Devon. naglingunan ang mga ito sa kanya at tumingin din sa kanyang kasama.

                Lumapit si Devon sa kanyang tatay. Humalik siya sa pisngi nito at nagmano. Lumapit din si Ivan at nagmano sa kanyang ama.

“ Tay, natatandaan nyo pa po ba si Ivan?”

“ Siya po yung kaklase ko noong college at kasama ko sa trabaho.”

“ Ikaw na nga ba yan Ivan?” naku! kagwapo mo na ah!” anang ng ama ni Devon.

“ Magandang gabi po, hindi naman po.” Kiming tugon ni Ivan.

                Habang may mga matang nagmamasid. Lalo na si James na nagtatanong ang mga mata habang hindi inihiwalayan ng tingin si Devon.

“ Who is this guy?” anang ng isip ni James?

“ Ay! Siya nga pala guys! Si Ivan kilala nyo na sya di ba?” turan ni Devon sa mga ito.

“Oo.” panabayang sabi nina Bret at Aj.

“Musta schoolmate?” Sabi ni Enrique sabay nakipagkamay kay Ivan bilang pagbati pati na rin sa ibang naroon.

“Ayos naman, pare.” Sabi ni Ivan

“ Tagal naming di nakita ang muse ng barkada ah!, namiss ka tuloy naming, di ba James? Sabi ni Bret.

“ Ah, Oo. Kiming ngumiti si James kay Devon.

“ Hahaha.” hagikgik ni Devon.

“Ay ayaw maniwala.” Himig nagtatampong turan ni Bret.

“ Syempre miss ko talaga kayo pati kakulitan nyo.” Ani Devon.

“ May mga nanligaw ba sa’yo don sa pinuntahan mo ha, tatay baka naman may boyfriend na yang si Devon sa Spain hindi lang nagsasabi. Naku patay tayo diyan tay!” Nagbibirong turan ni Aj.

“ Meron na nga ba anak?” Tanong ng kanyang ama.

“ Hay naku tay, maniwala kayo diyan kaagad, siyembre wala po. Di ba pangako ko na kapag nagkaboyfriend ako eh kayo ang unang makakaalam.” Sabi ni Devon.

Bigla kinabahan si James sa tanong ni Bret tungkol kay Devon. mabuti na lang pinabulaanan kagad ito ng dalaga. Masusing nagmamasid na lang siya sa mga ito at di pinahalatang apektado siya.

“ So, matagal na palang kakilala ni Devon at kaklase nya pala ito noon. Bakit hindi man lang nabanggit sa akin nina Bret ang tungkol sa mga bagay na yun. “

“Ang tanong, nagtanong ka ba sa kanila kung may mga nakahalubilong ibang lalaki si Devon bukod sa’yo at sa mga barkada nyo?” Tanong ng isip nito.

                Tinawag naman ni tatay Sonny ang kanyang inay para sabihing may bisitang kasama si Devon. Lumabas si nanay Carol na may dalang maiinom para kay Ivan.Pagkalapit ni nanay Carol kay Ivan ay kaagad itong nagbigay galang at nagmano.

“Kaawaan ka ng Diyos anak.” Sabi ni nanay Carol kay Ivan.

“Naku! Mas lalo kang gumawapo Ivan.” Sabi ulit ni nanay Carol ditto.

“Hindi naman po tita.” Kiming tugon ni Ivan sabay hawak sa batok nito.

                Habang ang iba’y nagpatuloy na sa ginagawang paglalaro ng chess.

“Anak dito ka na maghapon, sumabay ka na sa amin kumain total marami akong niluto dahil nandito ang mga binata ko.” sabi ni nanay Carol kay Ivan.

“Tita patawad po, may dadaan pa po kasi ako. Hinatid ko lang po si Devon dahil gabi na po. Pero sa susunod po babawi ako.” Humihinging paumanhing turan ni Ivan.

“Ganun ba? Oh sige sa susunod wag ka ng tatanggi ha?” sabi ni nanay Carol.

“Promise po sa susunod tita.” Nangingiting turan ni Ivan.

“ Oh sige mag ingat ka, anak. Inaanyayahan kita para sa munting pagsasalo bukas. Wag kang tatanggi, mag aouting tayo.” turan ni nanay Carol.

“Nasabi na din po sa akin ni Devon yan tita, at hindi po ako makakatanggi dahil nakapangako na po ako.” Nangingiting turan ni Ivan.

“Pano po, alis na po ako. Hindi na po ako magtatagal” Sabay baling kina James at sa ibang naroon upang magpaalam na.

“Nice meeting you pare.” Ang sabi ni James saka nakipagkamay ulit dito.

“Mga Pare mauna na ako.” Paalam ni Ivan.

“Sige brod. “ panabayang sabi ng mga ito kay Ivan.

“Nay, ihahatid ko lang po si Ivan hanggang sa labas ng gate.” Paalam ni Devon sa kanyang ina.

“Mabuti pa nga anak, pagkahatid mo kakain na tayo ng hapunan, kaya kayong mga binata itigil nyo na yan at dumulog na kayo sa lamesa.” Mahabang sabi ni nanay Carol.

“Kainan na!.” ang sabi ni Bret sabay tayo at iniwan na ang mga ito at nauna nang pumasok sa bahay. Sumunod na rin ang iba dito kasama si tatay Sony. Habang si James ay hinihintay pa si Devon na makabalik dahil hindi siya mapakali sa kanyang kinauupuan hanggat’ hindi nya nakikitang hindi pa ito nakakapasok.

“Bakit kailangan pa nyang ihatid ang lalaking yon, kaya naman nyang lumabas at sumakay mag isa.” Himutok ni James sa sarili. Sa naisip na yun ay bigla siyang nainis sa sarili at biglang tumayo sumunod na lang din sa mga kasama.

                Pagkabalik ni Devon ay inulan na siya nina Enrique ng tukso patungkol kay Ivan habang sila’y nagsasalo salo sa pagkain. Samantalang si James ay kanina pa tahimik habang matamang nakatingin at nakikinig lang sa kanilang usapan. Mataman din itong nakatitig lang kay Devon.

“She seemed happy with him.” James said to himself. Hindi nito namamalayan na nakakuyom nap ala ang mga kamay nito habang hawak ang kutsara at tinidor. Mabuti na lang at walang nakakapansin sa kanyang inaasta.


                                                                               *TBC*


Friday, October 1, 2010





Chapter Three.


                James wanted to say something. Want to explain everything to Devon. But he was too late. It’s over.

“Darn!” James cursed himself silently.

“Stupid of me! What have I done! Why did it have to end this way?”

 Ito ba ang kapalit ng nagawa ko noon? Wala na itong nararamdam para sa kanya.. She was over him. Wala na ba ang nararamdaman nito sa kanya noon?

Alam niyang mangyayari ang bagay na ito pero masakit din pala kung sa harap mismo ng taong mahal mo na marinig  na hindi ka na nya mahal.He wasn’t ready for this.

Kaya nangako si james sa sarili na gagawin nyang tama ang lahat sa kanila ni Devon. Babawi ako sa kanya……

                                                                                                                                                                ___


Naalimpungatan si Devon ng kumatok ang kanyang ina sa kanyang kwarto. Inayos muna nya ang kanyang sarili bago pumanhik sa baba para maghapunan. Dahill sa pinaghalo halong emosyon nya kanina ay nakatulog siya.

“Nasa baba pa kaya ang lalaking yon?”

“Siguro umalis na  dahil sa ginawa ko.”

“Ewan ko ba naman kasi sa’yo Devon masyado kang nagpadalus- dalos. Ano na lang ang iisipin nun sa ginawa mo.” Pangongonsensya ng kanyang isip.

“Bahala na.”

Pagbungad niya sa komedor napaatras siya ng makita si James na nakangiti sa kanya. Andito pa pala siya. Walang mababakas sa mukha nito na may tensyong naganap sa pagitan nila kanina. Napapitlag siya ng magsalita ang kanyang nanay.

“Oh, ano pang tinatayo mo diyan anak. Dumulog ka na dito at ng makakain na tayo. Naghanda ako ng mga paborito mo.”

“Opo, nay.”

Ang sabi saken ni James nagpaalam ka raw na aakyat sa’yong silid upang magpahinga. Masakit daw ang ulo mo?

Opo. Pero medyo mabuti-buti na po nay. Napagod lang po siguro ako sa biyahe.

“Siya sige, kumain ka na at ng makainom ka na ng gamot para mawala yang sakit sa ulo mo anak.”

“Tumango na lang si Devon bilang pagsang- ayon sa kanyang inay. Nakatungo siya habang kumakain dahil nahihiya siya kay James. Pinagtakpan pa nya yung ginawa kong pang- iiwan sa kanya. Bulong sa sarili ni Devon.”

Pagkatapos nilang maghapon ay nagpaalam na si Devon na papanhik na siya sa kanyang silid. Ngiti at tango lang ang isinagot ni James. Nagpaalam na rin ito sa mga magulang ni Devon ng makapasok na ito sa kanyang silid.


                                                                                                                                _____________
                Nagreport na sa opisina nila sa Makati si Devon pati na rin ang kaibigan at kaopisinang si Ivan matapos ang isang linggong bakasyon. Kasalukuyang nakaupo si Devon sa harap ng kanyang monitor. Sila na lang ni Ivan ang natitira sa mga officemates nila sa department na yun. Malalim ang iniisip. Kaya ng tawagin siya ni Ivan napapitlag siya sa kinauupuan.

“Devon.” untag ni Ivan sa kanya. Katabi lang kasi nya ito ng cubicle kaya tanaw nito ang ginagawa niya.

“Huh? Bakit man?” turan ni Devon. Nakasanayan na nya itong tawaging man. Basta na lang nya itong tinawag ng ganun noon na nagustuhan naman nito.

“Kanina pa kita tinatawag. Mukhang hindi mo ako naririnig. Nakatulala ka na naman diyan. Siguro kung may laser beam lang yang mga mata mo malamang kanina pa sabog yang monitor mo.” Natatawang turan ni Ivan.

“Si James na naman ba iniisip mo?”

Napabuntong- hininga na lang si Devon sa tanong ni Ivan.

“So, si James nga at wala ng iba. Kamusta naman ang pagtatagpo niyo? Nagkausap ba kayo? Curious na tanong ni Ivan.

“Oo, nagkausap kami." matipid na sagot ni Devon.

“Yun lang? anong mga pinag- usapan nyo best? Anong reaction ng puso mo nung makita mo siya? Tumibok ba ulit?” nanunudyong turan ni Ivan.

“Ikaw talaga, man,  usisero minsan.” Banat nya kay Ivan

“Oo, pinag- usapan namin kung ano trabaho ko, kamustahan ganun, and naungkat yung about sa nangyari six years ago at sinabi ko I’m over him.”

“Gusto nyang marinig ko daw ang paliwanag nya bakit siya umalis. Pero what for di ba, man? Tapos na yun. I’ve moved on.” litanya ni Devon.

“Sinansabi mo lang ba saken yan na you’ve moved on or sinasabi mo yan para kumbinsihin ang sarili mo?” makahulugang turan ni Ivan.

“At saka bakit hindi mo man lang hinayaan yung taong makapagpaliwanag ng side nya. Malay mo kung narinig mo ang paliwanag nya matatahimik ka na. Sa ganung paraan makamove on ka na talaga hindi ba?”

                Napahugot ng malalim na hininga si Devon sa mga sinabi ni Ivan. Sukol siya nito.

“Akala ko pag nakita ko siya, man. Matatahimik na ako. Makakamove- on. Pero bakit ganon? Nararamdaman ko pa rin yung sakit dito.” Sabay turo sa kanyang puso.

Hindi umimik si Ivan. Hinayaan nya lang ang kaibigan niyang maglabas ng saloobin nito.

“Nasasaktan pa rin ako. Siguro nga duwag ako kasi ayoko nang marinig ang mga paliwanag nya. Natatakot kasi ako na baka masaktan ulit ako sa mga sasabihin nya, man.” Naluluhang sabi ni Devon.

“Bakit iintindihin mo ang takot? Best, dapat harapin mo ang kinatatakutan mo ng sa ganun maka- move on ka na talaga.

“Ah, basta I don’t wanna talk about him anymore, man. Nasasaktan talaga ako pag tungkol dun ang pinag- uusapan.”

“Tsk Tsk Tsk, mahal mo pa nga siya, best. Pero ililihim mo na naman ba ito sa kanya? Why? Don’t you want take the risk?

“Take the risk ka diyan! Ginawa ko na nga noon pero anong nangyari? Wala di ba?”

“Malay mo ngayon magwork na. Wag ka ng emo diyan, ingat mare ang beauty mo, smile ka na baka mamaya may makakita sa’yo na ganyan sabihin pa pinaiyak kita” nakangiting turan ni Ivan.

“Sira! Ikaw talaga! Man, thanks ha, lagi kang nandiyan para pasayahin ako. Nakangiti ng turan ni Devon pero mababanaag sa kanyang mga magagandang mata ang kalungkutan.

“Ah, ganon? So clown pala ako sa paningin mo. Grabe” nagbibirong sabi ni Ivan.

“Eto naman, hindi kaya, ikaw ang pinakagwapong clown na kilala ko.hahaha” hagikgik ni Devon.

“Seriously, Devon I’m always here for you.

“I know man and thanks.”

“W- w- wait, best I have a plan?”

“What plan?” nakakunot noong tanong ni Devon kay Ivan.

“Basta. Akong bahala basta sakyan mo lang ang trip ko, okay?”

“Bahala ka sa buhay mo, kung yang niluluto mo patungkol kay James goodluck na lang sa’yo. Leave me out of it.”

“Trust me on this, best. Magiging masaya ka sa gagawin ko. I assure you that.”

“Hay naku! Man, ewan ko sa’yo. Mag- out na nga lang tayo at kawawa naman ang kumpanya sa atin dahil lugi na sila sa overtime. Samahan mo pala akong pumunta ng mall.”

“Bakit? Anong gagawin natin sa mall? Magsha- shopping ka?”

“Hindi, bibili lang akong bestida para kay inay. Ayaw daw kasi nya yung mga pasalubong ko dahil masyado daw seksi sa kanya. Ay! punta ka pala sa bahay bukas ha, pinapainvite ka ni inay kasi matagal ka na daw niyang hindi nakikita.”

“Bakit anong okasyon? Birthday mo? Di ba May ang birthday mo? Oktobre pa lang ngayon ah!”

“Sira! Welcome party ko daw, kasi biglaan tayong umuwi kaya hindi sila nakapaghanda. Total sabado naman bukas. Punta ka para ma-meet mo na rin James.”

“Okay. Sabi mo eh, at saka matagal ko na ring hindi nakita ang inay mo.”

“ Anong oras bukas ako pupunta sa inyo?”

“You have to there before lunch, man. Don’t be late.”

“Ay ay sire!..hahahaha.” sagot ni Ivan.

“Tara na nga! At ng makauwi na tayo kaagad.”



*TBC*