Chapter Four.
“Hatid na kita.” anang Ivan.
“Naku! Man wag na, masyadong na akong nakaaabala sa’yo.”turan ni Devon.
Kasalukayan silang nasa labas na ng mall at nag- aabang na sila ng taxi. Pasado alas- otso na ng gabi at di nila namalayan pareho ang oras sa kakaikot sa loob.
“I insist Vonzkie, gabi na baka mag- alala ang tatay at nanay mo pag nalamang kasama mo pala ako tapos di kita hinatid. Tutal pareho naman ang way natin.” Mahabang litanya ni Ivan.
“ Bahala ka.” Kibit- balikat ni Devon kay Ivan.
Bumaba na sa taxi sina Ivan at Devon. Nang nasa tapat na sila ng bahay nila Devon, ang akala niya’y di na ito bababa pero hindi pa pala ng matanaw ang mga tao sa bakuran nila gusto raw muna magstay sandali. Tanaw kasi mula sa kanilang gate na may nagkukumpulang mga nilalang sa kanilang asotea.
“ Tara, pasok ka man.” Nakangiting sabi ni Devon kay Ivan na sumunod kagad.
“ Ah, malamang si itay nagyaya na naman makipaglaro ng chess sa mga ito.” Sa isip ni Devon.
Abala ang mga ito sa paglalaro ng chess kaya hindi namalayan ng mga ito na dumating na siya..Dahil mababa lamang ang kanilang gate at bakod matatanaw kaagad kung may panauhin sila. Pumasok na sila ni Ivan sa gate pero deadma pa rin ang mga ito. Dibdiban kung maglaro ang mga ito. Hindi pa sila mapapansin ng mga ito kung hindi pa siya nagsalita ng malapit na siya sa mga ito.
“ Hello sa inyong lahat!” sabi ni Devon. naglingunan ang mga ito sa kanya at tumingin din sa kanyang kasama.
Lumapit si Devon sa kanyang tatay. Humalik siya sa pisngi nito at nagmano. Lumapit din si Ivan at nagmano sa kanyang ama.
“ Tay, natatandaan nyo pa po ba si Ivan?”
“ Siya po yung kaklase ko noong college at kasama ko sa trabaho.”
“ Ikaw na nga ba yan Ivan?” naku! kagwapo mo na ah!” anang ng ama ni Devon.
“ Magandang gabi po, hindi naman po.” Kiming tugon ni Ivan.
Habang may mga matang nagmamasid. Lalo na si James na nagtatanong ang mga mata habang hindi inihiwalayan ng tingin si Devon.
“ Who is this guy?” anang ng isip ni James?
“ Ay! Siya nga pala guys! Si Ivan kilala nyo na sya di ba?” turan ni Devon sa mga ito.
“Oo.” panabayang sabi nina Bret at Aj.
“Musta schoolmate?” Sabi ni Enrique sabay nakipagkamay kay Ivan bilang pagbati pati na rin sa ibang naroon.
“Ayos naman, pare.” Sabi ni Ivan
“ Tagal naming di nakita ang muse ng barkada ah!, namiss ka tuloy naming, di ba James? Sabi ni Bret.
“ Ah, Oo. Kiming ngumiti si James kay Devon.
“ Hahaha.” hagikgik ni Devon.
“Ay ayaw maniwala.” Himig nagtatampong turan ni Bret.
“ Syempre miss ko talaga kayo pati kakulitan nyo.” Ani Devon.
“ May mga nanligaw ba sa’yo don sa pinuntahan mo ha, tatay baka naman may boyfriend na yang si Devon sa Spain hindi lang nagsasabi. Naku patay tayo diyan tay!” Nagbibirong turan ni Aj.
“ Meron na nga ba anak?” Tanong ng kanyang ama.
“ Hay naku tay, maniwala kayo diyan kaagad, siyembre wala po. Di ba pangako ko na kapag nagkaboyfriend ako eh kayo ang unang makakaalam.” Sabi ni Devon.
Bigla kinabahan si James sa tanong ni Bret tungkol kay Devon. mabuti na lang pinabulaanan kagad ito ng dalaga. Masusing nagmamasid na lang siya sa mga ito at di pinahalatang apektado siya.
“ So, matagal na palang kakilala ni Devon at kaklase nya pala ito noon. Bakit hindi man lang nabanggit sa akin nina Bret ang tungkol sa mga bagay na yun. “
“Ang tanong, nagtanong ka ba sa kanila kung may mga nakahalubilong ibang lalaki si Devon bukod sa’yo at sa mga barkada nyo?” Tanong ng isip nito.
Tinawag naman ni tatay Sonny ang kanyang inay para sabihing may bisitang kasama si Devon. Lumabas si nanay Carol na may dalang maiinom para kay Ivan.Pagkalapit ni nanay Carol kay Ivan ay kaagad itong nagbigay galang at nagmano.
“Kaawaan ka ng Diyos anak.” Sabi ni nanay Carol kay Ivan.
“Naku! Mas lalo kang gumawapo Ivan.” Sabi ulit ni nanay Carol ditto.
“Hindi naman po tita.” Kiming tugon ni Ivan sabay hawak sa batok nito.
Habang ang iba’y nagpatuloy na sa ginagawang paglalaro ng chess.
“Anak dito ka na maghapon, sumabay ka na sa amin kumain total marami akong niluto dahil nandito ang mga binata ko.” sabi ni nanay Carol kay Ivan.
“Tita patawad po, may dadaan pa po kasi ako. Hinatid ko lang po si Devon dahil gabi na po. Pero sa susunod po babawi ako.” Humihinging paumanhing turan ni Ivan.
“Ganun ba? Oh sige sa susunod wag ka ng tatanggi ha?” sabi ni nanay Carol.
“Promise po sa susunod tita.” Nangingiting turan ni Ivan.
“ Oh sige mag ingat ka, anak. Inaanyayahan kita para sa munting pagsasalo bukas. Wag kang tatanggi, mag aouting tayo.” turan ni nanay Carol.
“Nasabi na din po sa akin ni Devon yan tita, at hindi po ako makakatanggi dahil nakapangako na po ako.” Nangingiting turan ni Ivan.
“Pano po, alis na po ako. Hindi na po ako magtatagal” Sabay baling kina James at sa ibang naroon upang magpaalam na.
“Nice meeting you pare.” Ang sabi ni James saka nakipagkamay ulit dito.
“Mga Pare mauna na ako.” Paalam ni Ivan.
“Sige brod. “ panabayang sabi ng mga ito kay Ivan.
“Nay, ihahatid ko lang po si Ivan hanggang sa labas ng gate.” Paalam ni Devon sa kanyang ina.
“Mabuti pa nga anak, pagkahatid mo kakain na tayo ng hapunan, kaya kayong mga binata itigil nyo na yan at dumulog na kayo sa lamesa.” Mahabang sabi ni nanay Carol.
“Kainan na!.” ang sabi ni Bret sabay tayo at iniwan na ang mga ito at nauna nang pumasok sa bahay. Sumunod na rin ang iba dito kasama si tatay Sony. Habang si James ay hinihintay pa si Devon na makabalik dahil hindi siya mapakali sa kanyang kinauupuan hanggat’ hindi nya nakikitang hindi pa ito nakakapasok.
“Bakit kailangan pa nyang ihatid ang lalaking yon, kaya naman nyang lumabas at sumakay mag isa.” Himutok ni James sa sarili. Sa naisip na yun ay bigla siyang nainis sa sarili at biglang tumayo sumunod na lang din sa mga kasama.
Pagkabalik ni Devon ay inulan na siya nina Enrique ng tukso patungkol kay Ivan habang sila’y nagsasalo salo sa pagkain. Samantalang si James ay kanina pa tahimik habang matamang nakatingin at nakikinig lang sa kanilang usapan. Mataman din itong nakatitig lang kay Devon.
“She seemed happy with him.” James said to himself. Hindi nito namamalayan na nakakuyom nap ala ang mga kamay nito habang hawak ang kutsara at tinidor. Mabuti na lang at walang nakakapansin sa kanyang inaasta.
*TBC*