Saturday, April 9, 2011


CHAPTER  EIGHT

             Matuling lumipas ang mga araw. Nasa ikaapat na taon na si Devon sa high shool. Nabawasan na rin ang mga panahong kasama niya ang kanyang mga prinsipe. Pero hindi si James. Palagi itong may panahon sa kaya. If he have the chance, he always make it a point to come and fench her at school.

             Kung wala itong trabaho palagi itong pumupunta sa kanilang bahay. Ito kasi ang pinakamalapit sa kanyang pamilya dahil na rin siguro nasa malayong lugar ang mga magulang at kapatid nito na piniling sa ibang bansa na lang manirahan at nagababakasyon na lng ditto sa pinas.
             Isang gabi, muling napuno ng kaligayahan ang batang puso ni Devon nang maabutan si James sa kanilang bahay, kausap ng kanyang ama. Kagagaling lang niya kasi sa bahay ng isang kaklase dahil gumawa sila ng group project.

“Hello princess,” anang ni James a kanya na nakangiti pa pero ng mapansin nitong hindi siya nag iisa bigla itong nagseryoso.

Si Sam iyon, ang group leader nila. Nagprisinta na itong ihatid siya dahil gabi na.

“Tay, James, si Sam ho, classmate ko." Pakilala niya sa kasama.

“Magandang gabi ho,” bati ni Sam. 

"Sorry ho kung ginabi po ng uwi si Devz, tinapos na ho kasi namin yung project.”

“Salamat sa paghahatid sa anak ko, halika’t sumabay ka nang maghapunan sa amin." Anang ng ama ni Devz. 

           Heto namang si James matamang nakatingin lang sa kanilang dalawa ni Sam.
Magalang naman na tumanggi si Sam at nagpaalam ng umuwi dahil baka daw hanapin na din ito sa kanila.

           Pumasok na sila ng tatay niya ng mapansing hindi sumunod si James na pumasok. Kaya tinawag niya ito sa labas.

“Why are you just standing there?”

“Hindi ka ba papasok? Come on! Dinner na tayo, lalamig yung food.”

“Who was that?" Tanong nito, nakakunot ang noo.

“Si Sam”

“I know, Is he courting you?”

Siya naman ang napakunot-noo. Umiiral na naman kasi ang pagiging overprotective nito.

“You should have called me. Para ako na lang sumundo sayo dun sa kanila.”

“Malay ko bang nandito ka? And besides I know you’re a busy person, baka maabala lang kita.”

“Ano ka ba? Syempre hindi ka kaabalahan saken, special ka for me kaya wag kang magi sip ng ganyan.”

“Next time, you do that, okay?”

“Okay.” 

          Tugon naman ni Devon. walang kaso sa kanya kung iyon ang gusto nito. Mas ikatutuwa at ikagaganda pa niya yun kung tututusin.

           Sabay na silang pumasok sa loob ng bahay at naghapunan. Pagkatapos maghapunankwentuhan naman sila sa sala, hndi pa rin nauwi si James.

“Siyanga pala, Tay malapit na po JS prom namin.”

“Sabi sa school, pwede raw kami magdala ng date.”

           Husto namang umiinom ng kape ang tatay niya nung sinabi niya ang bagay nay un. Naibuga tuloy nito ang iniinom. Samantalang si James ay napatingin din sa kanya. Natawa na lang ang kanyang nanay sa reaksiyon ng ng mga ito.

“Sam, asked me kung pwede daw ba niya akong maging ka-date sa Prom and partner ko sa sayaw.”

“Kelangan ba talaga yun? Huwag ka na lang kayang pumunta?” sabi ng tatay niya nung mahimasmasan ito.

“Tay! Hindi pwede! Minsan na nga lang mangyayari ang Prom. Di na nga ako nakapunta last year eh dahil nagkasakit ako.”

“Bakit kelangan pa ng patner- patner? Wag ng ganun.” Pangangatwiran ng tatay niya.

“Hay naku! bata ka, baka maligawan ka lang ng patner mo.”

“I could be her partner, Tay.” Singit ni James sa usapan ng mag- ama.

          Devon was shock! Nanlaki ang mga chinita niyang mata sa narinig. Napatingin tuloy siya ng palihim ditto. Di niya lubos maisip na magvovolunteer itong maging date niya sa Prom! Of course she was glad! Really really glad. She had always dreamed of him being her Prom date! Pangarap niyang makasayaw ito. How she wish right now eh pumayag ang tatay niya. She silently wish and crossing her fingers that her wish will be grant.

“Pwede ba ang outsider, anak?” Tanong ng kanyang tatay.

Nais niyang pumalakpak, tumalon talon at magtitili sa tuwa!

“Yes! Dear Lord!" Anang ng isip niya. Her father was considering James’ suggestion.

“Pwede po.” Kiming sagot niya. Kunwari ay sumimangot siya.

“Kaya lang Tay, mas okay kung schoolmate ko ang partner at date ko sa Prom.”

Ayaw niyang mahalata ng mga ito na talagang si James ang gusto niyang makadate sa Prom.

“Hala! Ikaw na ang sumama kay Devon.” walang gatol na sabi ng kanyang tatay.

“Bantayan mong anak ko, James. Baka kung sino sino lang ang pumaligid diyan, mahirap na.”

Pinipigilan ni Devz ang tumalon at humagikgik sa labis na kilig at tuwa sa sinabi ng tatay niya.

“I’ll do that, Tay." Tugon naman ni James saka tumningin sa kanya.


                                                                     *TBC*