Thursday, September 30, 2010

sweet memories

SWEET MEMORIES

Introduction.
            Are you ready?” Ivan said. “Ready with what?” turan ni Devon. “Kung ready ka na bang harapin si James.”  Nanunudyong sabi ni Ivan sa kanya.
Napabuntong-hininga na lang si Devon sa tinuran ni Ivan. “I’m over him. I’m over him. I’m over him!” pangungumbinsi nya sa sarili.
Alam lahat ni Ivan ang istorya nila ni James  dahil ito ang sandalan niya noon at ito lang ang mapagkakatiwalaan nya.
Devon and Ivan were really good friends way back college dahil naging kaklase nya ito at magpahanggang ngayon eh kasama pa niya at ka-team na naassign sa Spain na pinagtatrababuhan nila. Minsan nga napagkakamalan pa silang may relasyon ng iba pero pinagkikibit-balikat na lng nila ang sinasabi nila.  Alam nila pareho na hanggang pagkakaibigan lang talaga sila. Ivan has a girlfriend and he is madly in love with her. Her name is Shane.

“Goodluck na lang sa’yo best. Basta whatever happens nandito lang ako okay.” Ivan said.

“Thanks man.” Devon replied.


NAIA Airport……

“Ihahatid na kita sa inyo best.”

 “Hay naku! Man! Wag na alam ko excited ka na ring umuwi sa inyo and I’m sure excited ka na rin makita ng girlfriend mo.”

 “I insist, paano kung may mangyari sa’yo?”
 “Hala! Wag na talaga promise ok lang ako man.” Oh sige pero ihahatid kita hanggang sa sakayan ng taxi para makuha ko plate number ng sasakyan mo.” Sabi ni Ivan.

 “Okay, and thanks ha.” Devon replied.

“Text me if you’re home na para di ako mag- alala best.” Sabi ni Ivan.

 “Sige! Ingat man. Regards me to your family! Bayie!” tugon ni Devon.



Chapter One.

                “Oh! anak! Susmaryosep naman tong batang ito! Ginulat mo ako.” Sabi ng kanyang nanay Carol pagbukas na pagbukas ng pinto ng kanilang bahay. Bakit hindi  ka man lang nagpasabi na ngayon pala ang uwi mo at ng nasundo ka namin sa airport, diyaskeng bata to, pagdating ng ama mo siguradong kagagalitan ka nun.”

“Nay, hindi ba kayo masaya na makita ako?” sabi ni Devon.”Syempre masaya anak, ang akin lang naman sana nagpasabi ka na ngayon ang uwi mo at ng nakapaghanda ako para sa’yo.” Tugon ni nanay Carol.
“Ayaw ko ng kasi kayong abalahin ni tatay dahil bishi na yun sa negosyo nya and ikaw naman Nay ay bishi rin sa coffee shop mo.”pabirong sabi ni Devon.

 “Oh siya sige pumanhik na tayo at ng makapagpahinga ka na, ako’y maghahanda na sa pagluluto at ng makakain ka na ng paborito mo, I miss you anak.” Sabay yakap sa anak. “I miss you too, Nay.” Ganting tugon ni Devon.
“Pumunta ka na sa kwarto mo ng makapagpalit ka na ng damit at maya maya’y nandito na ang iyong ama.” Sige po Nay.”

Pagkatpos makapagpalit ng damit ay bumaba na si Devon.Nakaupo sa siya sa sofa ng may marinig siyang paparating sa tapat ng kanilang pintuan. Dagli siyang tumayo at sumalubong sa papabukas na pinto. Ihinanda niya ang kanyang ngiti na unti- unting nawala  ng mahagip ng kanyang mga mata ang nasa likuran ng kanyang ama. Hindi pala nag- iisang dumating ito! Kasama pa niyang dumating ang taong hindi pa niya gustong makita! Walang iba kundi si James!

“Kamusta ka na?” ang sabi ni James. Ngiti lang ang isinagot ni Devon dito.

Ang akala ni Devon ay kaya na niyang harapin ang binata pagkatapos ng ilang taong hindi nila pagkikita. Pero batid niya sa kanyang sarili na hindi pa nawawala ang sakit na kanyang nadarama. Ang lalaking minahal ng kanyang batang puso noon. How could she? She had loved him all her life…
“Devon, nasan na ipinangako mo sa iyong sarili na hindi ka na masasaktan sa muli niyong paghaharap”..anang ng isip niya. Napailing na lang siya upang balewalain ang sinasabi ng kanyang isip.

“Hi, Tay! Sabi ni Devon sa kanyang ama. Nagulat ang kanyang ama pagkakita sa kanya.

 “Ikaw nga ba yan anak? Manghang sabi ni tatay Sonny. “Bakit hindi ka nagpasabi na ngayon ang uwi mo? Di sanay nasundo kita o kaya naman ay si James.”

“Kaya nga hindi ko sinabi na ngayon ang uwi ko dahil gusto ko kayong sorpresahin ni nanay eh! At saka hinatid naman ako ni Ivan sa sakayan at siniguradong nakaalis yung sinakyan ko bago siya sumakay pauwi, kaya choks lang Tay!”

“ Kaya surprise!” Sabay hagikgik na tugon ni Devon sa kanyang ama.Kunwaring papaluin na sya ng kanyang ama kaya niyakap niya kaagad ito upang hindi siya mapalo.

“Pero dapat nagpasabi ka para hindi ako nag aalala, paano kung may kumidnap o nangholdap sa’yo habang sakay ka pauwi ng taxi. Gusto mo bang atakihin kami sa puso ng inay mo sa pag- aalala sa’yo. Sintemyento ng kanyang butihing ama.

“Pagsabihan mo nga yang anak mo Sonny na wag ng uulitin yung ginawa nya, minsan talaga yang batang yan di pa rin nawawala pagkamakulit.”  sabi ni nanay Carol.

“Hay naku! Nay, Tay, wag nga kayong nega dyan heto nga at nasa harapan nyo na ako ngayon, safe and sound. Promise di ko na uulitin basta wag na kayong magalit, maghihinampo na ako sa inyo niyan sige kayo.”

Ayaw ni Devon na ipaalam ang kanyang pag- uwi upang upang makapag- ipon ng lakas ng loob sa muli nilang paghaharap ni James. Ang lalaking kanyang minahal. Na minamahal pa rin niya hanggang ngayon.

 Nabalitaan nya kina Bret, AJ, at Enrique na pareho nilang mga malalapit kaibigan na dumating na nga daw si James nakalipas ang anim na taong pamamalagi nito sa Australia. Matapos nitong ayusin ang mga negosyo nila at bumuti na ang kanyang ama, ilang buwan na rin itong nasa Pinas and he is staying here for good na daw sabi ng mga kaibigan nila.

Parang isang anak na rin kasi ang turing ng kanyang mga magulang kay James. Sa insidenteng naganap noong mga bata pa sila. Umuwi si James dito sa Pilipinas noon para dito mag- aral at mapalapit na din ang loob sa kanyang ina, hiwalay kasi ang mga ito.

 Papasok noon sa paaralan si James hatid ng kanilang driver, pagkaalis ng kanyang tagahatid ay may biglang tumigil na van sa harap nito at bigla siyang hinaklit upang ipasok sa loob ng van. Nagkataon naman na nakita ng kanyang amang naghahanap ng trabaho bitbit ang isang dyaryo na naglalakad ang nangyari kaya kahit armado ang mga kidnapper ay walang atubiling tumulong ang kanyang ama.

Nang makawala si James sa pagkakahawak dali- dali itong lumapit sa may guard ng kanilang school upang makatawag sa station ng pulis.

 Umalingawngaw ang isang putok ng baril na siyang ikinabulagta ng kanyang ama, natamaan ito sa kanyang tagiliran. Nahuli ang mga salarin at naisugod sa hospital ang kanyang ama. Dahil sa pagliligtas nito kay James ay muntikan na itong nawala sa kanila.

Lubos naman ang pasasalamat ng pamilya ni James sa pagliligtas sa kanilang anak kaya sila ang sumagot sa hospital bills hanggang sa gumaling ang kanyang ama. Binigyan pa ng puhunan ng mga magulang ni James ang kanyang ama upang sa ganoong paraan man lang daw ay masuklian nila ang ginawa nyang kabutihan.

 Noong una’y ayaw tanggapin ng kanyang ama pero makakatulong daw iyong puhunang iyon para may mapagkuhanan siya ng pagpapaaral kay Devon na malapit ng magtapos sa high school para hindi na daw kumuha pa ito ng scholarship. Kaya kalauna’y tinanggap na rin ito ng kanyang ama. At dito na nag- umpisang napalapit ang pamilya ni James sa kanilang pamilya.

Biglang napapitlag si Devon ng magsalita ang kanyang ama. “Tingnan mo yang katwiran mo” hindi makapaniwalang turan ng kanyang ama. “Hindi ka pa rin nagbabago.”

“I know Tay.” “Nothing has changed, I still loved him.” bulong ng kanyang puso. Sabay yakap sa kanyang ama. “Aysus, dadaanin mo na naman ako sa lambing, bata ka.” Sabi ng tatay Sonny.

Habang  may pares ng matang tahimik at nagmamasid…

*TBC*





























SWEET MEMORIES



Chapter Two.


                Sumabay na siya sa paglalakad habang akbay siya ng kanyang ama. Ramdam ni Devon sa kanyang likuran na pinagmamasdan siya ni James.Nagtungo na sila sa sala upang maupo habang ang kanyang ama ay patungo sa kanyang silid samantalang ang kanyang ina nama’y nagtungo sa kusina upang ipagpatuloy ang pagluluto ng hapunan.

 “Oh siya, maiwan ko muna kayong dalawa ni James diyan at ako’y magpapalit lang ng pambahay.” “At James anak sumabay ka na rin mamayang maghapunan sa amin.”  sabi ni tatay Sonny. “Opo, tay.” Tugon ni James.
               
Umupo si James sa tapat ng kinauupuan niyang sofa habang ang mga mata’y nakakatutok pa rin sa kanya.

“Anong gagawin ko?” bulong ni Devon sa sarili.

Hindi nya malaman kung papaano siya aasta sa harap nito makalipas ang higit sa anim na taong hindi nila pagkikita. Iwanan  na lang kaya nya ito sabay panhik sa kanyang kwarto at idadahilang pagod ako sa byahe? Kaya lang baka makahalata ito na gusto niya itong iwasan. Ngunit para ano? Kapag ginawa niya yun ay parang inamin nya rin niyang gusto pa rin niya ito. Windang na windang siya kung ano ang gagawin ng bigla itong magsalita.

“How are you Devon?  You didn’t answer me awhile ago. Kaya inulit ko ulit ang tanong ko.” James said.
 “I’m great, and you?” Devon replied. She forced herself to meet his tantalizing hazel brown eyes and smiled at him.
“I’m fine. It’s been a long time Devon.” He said and smiled at her.

Simple words – but they meant more than a simple gesture. Her body quaked with potency of love and pain she felt for the time that they were away with each other. Still, nararamdaman pa rin nya ang sakit at pagmamahal para dito na pilit nyang tinatago sa kabila ng kanyang mga ngiti.

Nakatitig pa rin ito sa kanya na parang inaarok ang kanyang tunay na damdamin. “Nakikita pa rin ba nya ako na parang batang babae o nakikita na niya ako ay isang grown up woman? Natatandaan pa rin ba niya noon ang mga salitang binitawan niya kung paano siya naghayag ng pag- ibig para dito mahigit anim na taon na ang nakararaan?” ito ang mga naglalaro sa isipan ni Devon habang nakikipagtitigan kay James na nasa kanyang harapan.

“You’ve changed.” James said.

“Have I.” Devon replied.

“Yeah. I can’t believe how grown up you are.” James said with a wry smile on his face while looking at Devon.

“Time flies.” Devon said.

Memories of the pass seemed to flash on her mind. Lahat ng masasaya at mapapait na alaala na magkasama sila noon hindi pa ito umalis papuntang Australia. Lahat lahat. Napabuntong- hininga na lang si Devon.

“Aren’t you happy to see me?” Silently James as himself while staring at Devon.

 Many years had passed since he saw her. He is not expecting to see her. It’s just that he wasn’t like to see her. Nasabi ni tatay Sonny sa kanilang magkakaibigan na sina Bret,AJ and Enrique na uuwi nga daw si Devon mula sa Spain. Of course he is happy!

 But he is not expecting to see Devon as a grown up beautiful woman with graceful maturity. Nahahawig ito sa isang local artist na si Angel Locsin though mas maliit nga lang si Devon at maikli na rin ang buhok ngayon din a gaya ng dati. Would it still feel silky if he stroked it? Na siyang lagi niyang ginagawa noon. Napangiti na lang siya sa alalang iyon. She seemed different. She was looking at me it seemed that she not interested to seeing me again.

James wanted to ask her so many questions. How’d she have been when he wasn’t around her? What happen to her during the past six years? He wanted to know if she still feels the same way as before. Everything! He knew he had hurt her. She confessed her love to her and he did nothing. He just watched her cry.

Kahit ang makitang umiiyak ito ang pinakahuling gusto niyang makita. And the most stupid thing that he did was to break her heart. He told her not to love him and then he said good-bye.

He had no choice. Kailangan niyang umalis at puntahan ang kanyang ama sa Australia. Na-stroke noon ang kanyang ama dahil sa sakit nito sa puso at kinakailangan nitong magpahinga.

 Kaya pinababalik na siya ng kanyang ama upang humalili sa pamamahala sa negosyo ng kanilang pamilya. Hindi pa kasi kayang pamunuan ng kanyang kapatid na si lauren ang kanilang mga negosyo. May mga chain of restaurant sila sa Australia at hindi basta basta ang kompetisyon kaya kinailangan niyang umalis ng bansa.

Nakapagpundar na rin siya ng sarili nyang restaurant dito sa Pinas pagkatapos nyang grumaduweyt at sa dalawang taong pag- oooperate nito na sa kasalukuyan ay palago ng palago. Iniwan na lang muna niya ang pamamahala sa mapagkakatiwalan niyang staff.

Dahil sa insedenteng iyon ay napilitan si Devon na magtapat ng damdamin nito sa kanya upang pigilan ang kanyang pag- alis. Masakit man sa kanyang iwan ito ay kailangan niyang umalis.

Kailangan siya ng pamilya niya. Hindi niya masisiguro kay Devon kung makakabalik pa siya. Ayaw niyang umasa ito at ayaw niyang siya pa ang maging sanhi ng kalungkutan nito.

Napailing na lang si James habang inaalala ang nakaraan. Just to break the silence. She asked Devon.

“How’s work?” “Okay lang.” payak na tugon nito.

 “Mind draining but it’s okay.”

 “I heard that you’re a programmer?”

 “What’s your specialization?” James asked.

“Gumagawa kami ng mga program sa mga banks, for credit card system ang linya namin.” tugon ni Devon.

“Magaling ka pala kung ganoon?”sabi ni James. “Hindi naman.” Sagot ni Devon.

“I know you are, Devon.” he said.

She looked at him, as if trying to figure out if he meant what he said. And then she smiled at him hesitantly,

 “Thanks.”

“Ahmm, Devon.”

“Yung nangyari pala noon bago ako umalis. I want to explain and I want you to listen my side.” James said.

“Why James? Tama lang naman yung ginawa mo diba? Don’t tell me pinagsisihan mo yun?”

Natahimik bigla si James habang pinapakinggan ang sinasabi ni Devon.

“Don’t worry about it, James….

 I’m over you.” Sabi ni Devon sabay tayo papunta ng kanyang kwarto at iniwang nakatulala si James.


*TBC*