Tuesday, January 18, 2011

Chapter Six

Seven years ago.

       Katatapos lang ng kanilang klase. Palabas na siya ng kanilang classroom ng may narinig siyang nagsalita sa mga nakatambay sa labas ng kanilang silid aralan.

                “Hmp.! Ayan na naman siya, pansinin nyo mamaya iba na namang lalaki ang susundo diyan.”

“Ang landi kung kani- kanino siya sumasama.” Anang ng isa sa mga babae.

Palibhasa isa siyang transferee galing sa ibang paaralan. Ng lumipat kasi sila sa kanilang bagong tahanan ay napilitan na din siyang lumipat ng ibang paaralan na mas malapit sa kanilang tinutuluyan. Wala tuloy siyang kaibigan kundi sina Bret, AJ, Enrique at James lang.

Pilit iniignora ni Devon ang mga narinig. They even call her a bitch, slut at kung ano pang masasamang pwedeng itawag sa kanya ng mga ito. Nasanay na din siya. Pero minsan tulad ngayon ay di nya maiwasang malungkot. Na porke daw third highschool pa lang siya eh sumasama na siya sa mga college boys na ang tinutukoy ay sina James. Limang taon kasi ang agwat ng kanilang mga edad. Sinusundo siya ng mga ito sa kanyang paaralan dahil naipangako nila sa kanyang tatay na kung sino man ang bakante sa kanilang apat ay siyang susundo sa kanya. Prinsesa ang turing ng mga ito sa kanya kaya ganun na lang kung siya ay tratuhin.

“If I know inggit lang sila sa akin.”

“Hindi ko obligasyon na ipaliwanag ang sarili ko sa kanila.”

 “Wala siyang inaargabyado sa mga ito at wala din siyang inaapakang tao.” Turan niya sa kanyang sarili.

Eksaktong malapit na siya sa gate ng kanilang paaralang ng papasok naman ang kanayang mga prinsipe. Napansin ng mga ito ang kanyang pananamlay.

“Oh, bakit ganyang yang mukha mo?”

“ May umaway ba sa’yo?” Anang ni AJ.

“Tara sugurin natin.” Anang naman ni Enrique. Nakiayon din si Bret sa mga ito samanatalang si James ay pinagmamasdan lamang siya.

Napansin nito na may mga babaeng nagbubulungan at nakatingin sa kanila.  

“Sila ba ang dahilan ng pagiging matamlay mo?” Turan nito habang sila ay nasa daan palabas ng paaralan. Hindi kaagad tumugon si Devon sa tanong nay un ni James at napabungtong- hininga.

“Hayaan mo na lang James.”

 “Naiinggit lang sila sa akin kasi ang guguwapo ng mga sundo ko.” Tugon ni Devon. sabay tawa at nagkunwaring hindi apektado.

“Minsan may isang estadyanteng lalaki na lumapit sa akin at tinatanong kung boyfriend mo daw ba ako?”

“ Kasi daw concern siya sa akin dahil kung kani-kanino ka daw sumasama. Hahayaan mo na lang ba na ganun ang tringin nila sa’yo?”

Mababanaag sa mga ito ang pagmamalasakit sa kanya.

“We should do something about it Devon.

“Hindi kami papayag nag anon ang trato nila sa’yo.”

“ You are our princess you know.” Anang ni Bret na sinang ayunan din ng tatlo.

“Hay naku! uwi na nga tayo. Ay hindi pala i-titreat nyo pa ako total Friday ngayon. Gusto ko sa McDo ha! “

Sumang – ayon na lang ang mga ito sa kanya tanda ng pagsuko. Dahil sa siya ang prinsesa ng mga ito sunod lahat ang kanyang mga luho. Parang kasing bunsong kapatid ang turing ng mga ito sa kanya.

Lunes ng hapon pag uwi mula sa pinapasukan hinihintay kung sino sa apat ang susundo sa kanya. Habang daan sumabay ang mga kaklase niyang babae sa kanya.

“Uy! Devz sabay ka naman sa amin magmeryenda.” Anang ng isa sa kanya.

“Ako? Inaaya niyo ako?” di makapaniwalang sambit ni Devon.

“Uhmm, oo, Siya nga pala pasensya ka na sa amin ha.”

“ Akala kasi namin malandi ka. Hindi pala. Pasensya na talaga ha.”

“ Kaya inaaya ka naming ngayon para naman makabawi kami sa’yo. Nahihiya kami sa’yo”

“Oo nga,” anang naman ng iba.

“Gusto ko rin sana kaso may sundo ako. Pwede bang bukas na lang?”

“Sure! Basta ha sama ka bukas sa amin.”

“ Ayan na pala sundo mo.” Anang ng mga ito. Eksakto namang natanaw na niya si James na naghihintay sa kanya.

“Sige mauna na muna ako sa inyo. “

“Bukas Devon ha.” Sabay kaway sa kanya ng mga ito papuntang canteen.

Naguguluhan pa rin siya kung bakit biglang nagbago ang tingin sa kanya ng kanyang mga kaklase. Nang magsalita si James.

“What took you so long?”

“Nandito na ako kanina pa naghihintay sa’yo”

“Late kasi nagdismiss ang teacher naming dahil nagbigay siya ng assignment.”

“ And guess what! Kinausap na ako ng mga kaklase ko. Pero nagtataka ako bakit biglaan naman ata.”

Habang si James ay nakangiti sa kanya. Nagduda tuloy siya dito.

“Ba’t ganyan yang ngiti mo?” Anang ni Devon.

“Kinausap ko sila ng makasalubong ko kanina.”

“ Sinabi ko rin na hindi ka katulad ng iniiisip nila.” Masayang sabi nito.

“Ano! Why did you do that for?” Bulalas ni Devon.

“Ayoko kasi na hinuhusgahan ka nila at ayokong nakikita ang mukha ng prinsesa naming na laging matamlay sa tuwing pagmamasdan kita habang naghihintay sa’yo dito.”

“Aww, thank you James.” Maluha luhang turan niya dito.

“Oh! Hindi ko sinabing gusto kong makitang umiiyak ka.”

“ Spare those tears. I don’t wanna see you crying, my princess.”

Ngiti lang ang itinugon ni Devon dito. Napakacaring talaga nito sa kanya. Naalala niya sa tuwing dumadalaw ito sa kanilang bahay at nakikita siya nitong nahihirapan sa kanyang mga assignments ay nagtitiyaga itong turuan siya. Kaya naman sa apat ay dito siya pinakamalapit.

“Smile ka na! Sige ka kung di ka pa mag- smile diyan di kita ititreat.” Sabi nito.

“Kung matitiis mo ako?” Naglalambing na tugon naman niya.

“Pasalamat ka special ka sa akin. At hindi kita matiis.” Sabay kindat sa kanya nito nakapagpatunaw ng kanyang puso.

“Sige na nga!” Sabay ngiti. “

Oh! Hayan ha! Nag- smile na ako.”

“ Again James thank you.”

“You’re welcome, my princess.”