Tuesday, December 28, 2010

Chapter Five.

                Kinabukasan. Araw ng sabado. Muling naging maingay ang bahay ng pamilya ni Devon nang magsidatingan ang kanilang mga panauhin kasama na si Ivan. Dahil imbes na mag outing sila mas pinili na lang nilang sa bahay na lang nila idaos ang salo-salo. Hanggang sa umabot na sila ng gabi at nag inuman na lang ang mga kalalakihan. Samantalang ang kanyang mga magulang ay pumanhik na sa kanilang silid para magpahinga dahil napagod sila sa preperasyon.

                Nagpatuloy ang kasiyahan at nagkaroon din siya ng pagkakataong makikilala ang mga babaeng nagpaibig sa mga kaibigan niya. Ang mga kalakihan ay nag iinuman malapit sa pwesto nila nina Coleen. Nang may tinanong si Bret.

                “Nakailang boyfriend ka sa Spain Devon?” anang ni Bret. Hindi pa rin siya nito tinatantanan magmula nung dumating siya. Tumingin siya kay James na noon ay nakatingin din pala sa kanya. Sabay sagot kay Bret

                Secret”  Sabi ni Devon sabay iwas sa mga mata ni James na alam niyang hinihintay ang kanyang isasagot.

“Hala!  Mukhang mali ang desisyon nyo ni tatay na payagan kang magtrabaho sa ibang bansa, di ka tuloy naming nabantayan.” Nagbibirong turan naman ni Aj.

“Stop it, guys! Puro kayo biro.” Sabi ng isa sa mga kasintahan ng mga ito.

“Di nyo na tinantanan si Devs. Pwede bang sa amin muna siya bahala kayo diyan. Kami namang mga girls ang magi-girl talk.”

 Sabi ni Heidi na sinang-ayunan na rin naman ng mga ito. Nagtungo sila sa veranda at doon ay nagkwento ang mga ito kung paano ang mga buhay pag- ibig ng mga ito. Kung paanong ang mga barkada niyang lalaki ay na-inlove sa mga ito.

                I had missed a lot this past two years.” Aniya sa mga ito.
               
                Hindi ko inaakalang ma-iinlove ang dalawang iyon”. Na ang tinutukoy ay sina Enrique at AJ. Tumawa lang ang dalawang babae sa turan niya.

                Ikaw?” Tanong ni Heidi. Boyfriend mo nab a si Ivan?
               
                Natawa siya. “Hindi.”

                May boyfriend ka na ba?” Tanong ni Coleen? Pinaghihigpitan ka ban g mga yon?

                Nope. Matagal ko na ngang hindi sila nakasama, sabay tingin sa malayo. Siguro kung nandito ako at hindi umalis malamang todo higpit ang bantay sa akin”. Sabay tingin sa malayo.

                Na-inlove ka na ba sis?” Tanong ni Heidi.

Napahigit siya ng malalim na hininga sa tanong nito at saglit siyang hindi kumibo.

                “There’s this guy. I really like him. I love him. But he rejected me along time ago.”

                Ouch!” Sabay na sambit ng mga ito.

                “Yeah. Ouch.” Sabay sabi ni Devon.


Ginabi ng uwi si Devon galling trabaho. Gamit ang sariling susi, binuksan niya ang pinto ng bahay. Humihikab na pumasok siya sa loob. Pipikit- pikit na nag- inat siya ng mga braso. At nagpatunog ng leeg at likod ng mailock niya ang pinto.

Nang imulat niya ang mga mata, halos napasigaw siya sa gulat. Nakaupo si James sa sofa at nakangiting nakamasid sa kanya.

                Papatayin mo ba ako sa nerbiyos”! Mahinang sambit niya at baka kasi magising ang mga magulang niya kung bubulyawan niya ito.

                Sorry. I thought you have noticed me”. Tumayo ito

                What are you doing here? It’s past twelve already. Why are you still here?”

                Binilin ni tatay na hintayin kita. He said you’ll be coming home late.”

                Sana di ka na nag- abala pa, di sana di ka naghintay. Pano yan? Eh di bibiyahe ka pa?”

He just smile.

 Sa tapat nyo lang ako nakatira.”

Manghang napatingin siya rito? Paanong? Kelan pa? hindi niya akalain na sa tapat lang ito nakatira. Dahil sa pagkakaalam niya ng umuwi siya two years ago sina Mrs. Masangkay pa ang may- ari ng bahay na nagbakasyon lang sa amerika. So binenta na pala nila ng tuluyan. Wala naman kasing nagsabi sa mga kaibigan niya na sa tapat lang pala ito nakatira. Kahit ang mga magulang niya.

Binibiro lang kaya siya nito? Yun ang tumatakbo sa isipin ni Devon.

                I bought the place one year ago.” sabi ni James ng makitang nagulumihanan siya.

                Pasensiya na ha, pati ikaw naaabala ko.”

                It’s nothing.”

 Then he smiled.

“Ang sabi ni tatay painumin daw kita ng gatas bago ako umalis.”

 Sabay nagtungo ito sa kusina upang kumuha. Bumalik ito dala na ang isang baso na may lamang gatas. Nasanay na kasi siya na bago matulog ay umiinomsiya nito. Sanay na siya roon. Pero ang hindi siya sanay ay ang gingawa ni James.

                Bakit ba siya nag- aabala para sa akin?” Tanong ni Devon sa sarili.

                Drink this.” Sabay abot sa kanya ng basong may lamang gatas.

                Thanks. Pasensiya na talaga sa abala.”

                Umiling ito. “Really it’s nothing. Even then, we’re like this right?”

                Hindi na lang niya ito sinagot at ininom na lang ang gatas.

                Inumin ko na to ha?”

                “I’ll go ahead, lock the doors okay?”

                Tango lang ang isinagot ni Devon. Hinatid na ito hanggang sa makalabas ito ng kanilang pintuan.

                Thanks again, James.”

                “Goodnight, princess.” Sabay ngiti sa kanya nito at tumalikod na.

                Goodnight.” Sabay wave ng kamay dito.

                The way he said it sounded like a caress. Princess kasi ang tawag nito sa kanya noon, dahil siya raw ang prinsesa nila.

Ni-lock niya ang pinto ng makaalis na ito saka nagtatakbong pumanhik sa taas sa kanyang kwarto. Sabay silip sa kanyang bintana upang tingnan ang binata kung nakapasok na ito sa kanyang bahay sa tapat. Ang pwesto kasi ng kwarto niya ay nakaharap sa kanilang bahay kaya mula dito kita niya kung may magdaraan man sa tapat nila. Nang makita niyang papasok na ito saka lang siya nahiga sa kanyang kama sabay titig sa kisame.

                Oh James!” Sabay yakap sa kanyang unan.

                James really was back. And now he was living next door. Why was he doing this? Years ago he told her he wasn’t coming back.

Muli, inalala ni Devon ang mga sandaling nakasama niya ito. Ang alaala ng kahapon. Bakit ka nagbalik? Ginugulo mo na naman ang nananahimik kong puso. Bakit kailangang bumalik ka pa. kung kelan gusto na kitang kalimutan.

Sanay hindi na lang ito nagbalik dahil mahihirapan na naman siyang sikilin ang nadarama niya para dito.

                James.” Sambit niyang muli sa pangalan nito at tuluyan na siyang nahimbing sa pagtulog.